Sa 11:00AM rainfall advisory ng PAGASA, itinaas ang yellow warning level sa Metro Manila,
Bataan, Zambales at Pampanga.
Ayon sa weather bureau, tatlong oras na tatagal ang nararanasang malakas na buhos ng ulan sa nasabing mga lugar at maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararasan sa Bulacan, Nueva Ecija, Cavite, Rizal, Laguna, Tarlac, Batangas, Quezon (Gen. Nakar, Infanta, Real, Polilio Island).
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga susunod nilang rainfall afvisory.
Dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan sa Metro Manila nagsuspinde na rin ng panghapong klase mula pre-school hanggang high school sa Quezon City si Mayor Herbert Bautista.
Si Cavite Gov. Boying Remulla naman nagsuspinde na rin ng klase sa lalawigan para sa lahat ng antas.