Heavy rainfall warning, muling itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2017 - 11:58 AM

Muling nagtaas ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa 11:00AM rainfall advisory ng PAGASA, itinaas ang yellow warning level sa Metro Manila,
Bataan, Zambales at Pampanga.

Ayon sa weather bureau, tatlong oras na tatagal ang nararanasang malakas na buhos ng ulan sa nasabing mga lugar at maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararasan sa Bulacan, Nueva Ecija, Cavite, Rizal, Laguna, Tarlac, Batangas, Quezon (Gen. Nakar, Infanta, Real, Polilio Island).

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga susunod nilang rainfall afvisory.

Dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan sa Metro Manila nagsuspinde na rin ng panghapong klase mula pre-school hanggang high school sa Quezon City si Mayor Herbert Bautista.

Si Cavite Gov. Boying Remulla naman nagsuspinde na rin ng klase sa lalawigan para sa lahat ng antas.

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, rainfall warning, weather advisory, weather in PH, yellow warning, Pagasa, rainfall warning, weather advisory, weather in PH, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.