Bagyong Gorio lumakas pa, isa nang tropical storm ayon sa PAGASA
Lalo pang lumakas ang bagyong Gorio at ngayon ay nasa tropical storm category na.
Sa 11:00AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 595 km East ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong north-northwest sa bilis na 13 kilometers bawat oras.
Wala pa ring itinataas na storm warning signal ang PAGASA saanmang panig ng bansa bunsod ng nasabing bagyo.
Bagaman walang direktang epekto sa bansa ang bagyo, pinalalakas naman nito ang Habagat na naghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa western section ng Luzon at mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon at sa buong Visayas.
Ayon sa PAGASA, sa Sabado pa inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.