Isang kilong shabu nasabat sa lugar na pinagkutaan ng Maute sa Marawi City

By Chona Yu July 26, 2017 - 10:59 AM

Joshua Morales | Radyo Inquirer correspondent

Nakakuha muli ng shabu ang scout rangers sa lugar na pinagkutaan ng Maute/ASG local terrorists sa Marawi City.

Tinatayang nasa isang kilo ang nasabat na shabu sa isang istraktura na dating ginamit na kuta ng mga terorista at nabawi ng mga sundalo.

Ang nasabing istraktura ay nasa mismong main battle area sa Marawi.

Ayon sa Joint Task Force Marawi, isasailalim nila sa laboratory test ang mga nakuhang ilegal na droga.

Una nang iniulat ng task force na aabot pa sa 600 na mga gusali, bahay at iba pang istraktura ang hawak ng mga terorista.

Aabot naman sa 200 hanggang 300 pang sibilyan ang naiipit sa giyera habang 100 iba pang sibilyan ang hostage ng mga terorista.

 

 

 

 

TAGS: ASG, Marawi City, Maute Terror Group, shabu, ASG, Marawi City, Maute Terror Group, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.