5 volunteers, nalunod sa ilog sa Tarlac

By Jen Pastrana August 31, 2015 - 08:15 PM

 

Mula sa wikimapia.org

Lima katao ang nalunod habang siyam ang sugatan sa Pangasahan river sa bayan ng San Jose, Tarlac dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan Linggo ng hapon.

Ayon kay Sr. Supt. Alex Sintin, Tarlac Provincial Police Director, sa kanilang isinagawang paghahanap na nagsimula ng Linggo ng gabi ay na recover nila ang mga katawan nina Mark Raven Villaneva, Rocky Sumalinog, Jose Bernadette Ramirez, Jo Marie San Diego at Dooren Adriano.

Dagdag pa ni Sintin, ang mga biktima ay kasama sa 54 na mountaineers na nagsagawa ng ‘outreach program’ sa Sitio Baag, isang Aeta village sa Barangay San Pedro kung saan sila ay namigay ng mga school supplies para sa mga bata.

Ayon naman kay San Jose Vice Mayor Romeo Capitulo, patungo sa kabilang bayan sa San Jose ang grupo na dalawang oras ang layo mula sa barangay San Pedro nang maganap ang malagim na insidente.

 

TAGS: 5 volunteers nalunod sa tarlac, 5 volunteers nalunod sa tarlac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.