WATCH: 300 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Malabon

Aabot sa 150 mga bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa Malabon City.

Ayon kay Camanava Fire Marshall, Fire Supt. Crispo Diaz, nagsimula ang apoy sa isang bahay matapos may maiwanang niluluto.

Pasado alas singko ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahagi ng Dulong Herrera Street.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay at dikit-dikit.

Itinaas ito sa ikalimang alarma bago naideklarang under control bago mag alas 8:00 ng umaga.

Tinatayang aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog.

Ayon kay Diaz, isang residente naman na nakilalang si Daren Mediana ang nasugatan matapos magtamo ng paso sa katawan.

Sunog sa Malabon | Rhockee Tinaja, Fire Volunteer
Sunog sa Malabon | Rhockee Tinaja, Fire Volunteer
Sunog sa Malabon | Kuha ni Jap Dayao
Sunog sa Malabon | Kuha ni Richard Garcia
Sunog sa Malabon | Kuha ni Richard Garcia
Sunog sa Malabon | Kuha ni Jan Escosio
Sunog sa Malabon | Kuha ni Jan Escosio
Sunog sa Malabon | Kuha ni Jan Escosio
Sunog sa Malabon | Kuha ni Jap Dayao
Sunog sa Malabon | Kuha ni Jap Dayao
Read more...