Suspek sa rape na nakakulong sa Camp Crame, nagpakamatay
Nang-agaw ng baril at saka nagpakamatay sa loob ng Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame ang isang suspek sa panggagahasa sa walong taong gulang na batang babae sa Jaen, Nueva Ecija.
Ayon kay Anti-Kidnapping Group Chief SSupt. Glen Dumlao, nagpakamatay umano si Hilario “Larry” Herrera, 50 anyos, gamit ang inagaw nitong baril.
Ang nasabing baril ay inagaw ng suspek mula kay SPO1 Felix Parafina.
Batay sa inisyal na impormasyon pabalik na ng AKG compound si Herrera galing sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) nang maganap ang umanoy pang-aagaw ng baril ng suspek.
Agad na nasawi ang suspek matapos na magbaril sa ulo.
Dinala pa sa PNP General Hospital si Herrera pero dineklara ding dead on arrival.
Ayon kay Dumlao, si Herrera ay itinuturong nasa likod ng pagdukot, panggagahasa at pagpatay sa isang walong taong gulang na bata sa Nueva Ecija.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.