Antique, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bayanng Anini-y sa lalawigan ng Antique, Miyerkules (July 26) ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, may lalim lamang na walong kilometro ang pagyanig na naitala alas 3:51 ng umaga sa 37 kilometers East ng Anini-y.

Dahil sa nasabing lindol, naramdaman ang intensity 2 sa San Jose De Buenavista, Antique.

Ang nasabing lindol ay nasundan pa ng limang aftershocks kabilang na ang magnitude 3.7 alas 4:24 ng umaga kung saan naitala naman ang intensity 2 sa Anini-y.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.

 

 

 

 

 

Read more...