Patuloy pa rin ang palitan ng maaanghang na salita sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na dati’y magkasundo.
Sa pinakahuling banat ni Pangulong Duterte, pinayuhan niya si Sison na magpakamatay na bilang pabor para sa pamahalaan ng Norway.
Ani Duterte kay Sison, tumanda na sa Norway si Sison pero ayaw pa rin nitong aminin na may sakit na siya.
Ayon pa sa pangulo, dapat ay maawa na lang si Sison sa Norwegian government kaya magpakamatay na lang ito.
“Sison, tumanda ka na lang diyan. Ayaw mo pa aminin na may sakit ka. Maawa ka naman sa Norwegian government. Pakamatay ka na lang,” ani Duterte.
Dagdag pa ng pangulo, kaya pinapaalis na sila Sison sa Norway dahil ang partidong humahawak na ngayon sa gobyerno ng naturang bansa ay natatalo na dahil sa gastos sa pagpapatira at pagpapagamot kay Sison sa ospital.
“Kaya nga pinapaalis na kayo sa Norway,” Duterte added. “Alam mo, ’yung Norway, ‘yung partido ngayon na humawak ng gobyerno, matatalo. Ang issue dahil sa gastos na pinatira kayo doon at ’yung ospital mo, wala kang bayad-bayad,” ayon kay Duterte.
Sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), ibinunyag ng pangulo na may colon cancer si Sison, na agad naman nitong itinanggi.
Nagdesisyon na rin ang pangulo na tuldukan na ang peace talks sa mga komunista lalo na’t hindi pa rin tumitigil ang New People’s Army sa mga pananambang at pangingikil sa mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.