Sa pulong balitaan sa Lanao Del Sur Provincial Capitol sa Marawi City, sinabi ni Brigadier General Ramiro Rey, commander ng Task Force Ranao na ito ang dahilan kung kaya nahihirapan pa ang militar na tuluyang matapos ang giyera sa tatlong barangay sa Marawi City.
Sinabi pa ni Rey na aabot pa sa dalawang daan hanggang tatlong daang sibilyan ang naiipit sa giyera habang isandaang iba pang sibilyan ang hostage ng mga terorista.
Samantala sinabi ni Rey, na buong east of Agos river ang kailangan pang i-clear ngayon ng militar.
Samantala, kumpirmado namang buhay pa si Father Chito Suganob, ang paring dinukot ng Maute Group sa kasagsagan ng giyera sa Marawi City.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña na nakumpirma niyang buhay pa si Father Chito matapos makatakas mula sa mga kamay ng terorista ang kasamahang bihag ng pari.
Sa ngayon aniya ay nasa ligtas nang lugar ang nakatakas na bihag.
Ayon kay Bishop Dela Peña, nawalan na siya ng komunikasyon sa pari.