Sa pitong pahinang desisyon na may petsang August 17, 2015 na pinonente ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, ibinasura ng appellate court ang petisyong inihain ng JLN at ni Napoles laban sa desisyon ng NLRC sa kaso nina Mary Arlene Baltazar at Marina Sula.
Sina Baltazar at Sula ay parehong testigo sa mga kaso ng PDAF scam.
Nuong February 27, 2015, nauna nang iniutos ng NLRC na bayaran ni Napoles at ng JLN sina Sula at Baltazar ng kanilang separation pay, backwages, pati na ang hindi naibigay na sweldo, gayundin ang 10-percent ng judgment award bilang attorney’s fees.
Hindi binigyan ng bigat ng CA ang pagtanggi ni Napoles at JLN corporation sa authenticity ng pay slips at identification card nina Sula at Baltazar.
Kumbinsido ang CA na batay sa mga nasabing dokumento, sina Sula at Baltazar ay mga regular na emplyado ng JLN Corporation.
Dahil dito, wala umanong naging pag-abuso sa panig ng NLRC nang paburan nito sina Sula at Baltazar.