Desisyon ng NLRC sa mga dating empleyado ni Napoles, pinagtibay ng Court of Appeals

By Ricky Brozas August 31, 2015 - 07:34 PM

 

Court-of-Appeals-building-fPinagtibay ng Court of Appeals ang desisyon ng National Labor Relations Commission o NLRC kaugnay ng kaso ng mga sinibak na empleyado ng JLN Corporation na pag-aari ni Janet Napoles, pangunahing akusado sa mga kaso ng pork barrel scam.

Sa pitong pahinang desisyon na may petsang August 17, 2015 na pinonente ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, ibinasura ng appellate court ang petisyong inihain ng JLN at ni Napoles laban sa desisyon ng NLRC sa kaso nina Mary Arlene Baltazar at Marina Sula.

Sina Baltazar at Sula ay parehong testigo sa mga kaso ng PDAF scam.

Nuong February 27, 2015, nauna nang iniutos ng NLRC na bayaran ni Napoles at ng JLN sina Sula at Baltazar ng kanilang separation pay, backwages, pati na ang hindi naibigay na sweldo, gayundin ang 10-percent ng judgment award bilang attorney’s fees.

Hindi binigyan ng bigat ng CA ang pagtanggi ni Napoles at JLN corporation sa authenticity ng pay slips at identification card nina Sula at Baltazar.

Kumbinsido ang CA na batay sa mga nasabing dokumento, sina Sula at Baltazar ay mga regular na emplyado ng JLN Corporation.

Dahil dito, wala umanong naging pag-abuso sa panig ng NLRC nang paburan nito sina Sula at Baltazar.

 

 

TAGS: court of appeals, napoles, nlrc, court of appeals, napoles, nlrc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.