Environment Sec. Roy Cimatu, pinasisibak kay Pangulong Duterte

By Jan Escosio July 26, 2017 - 04:38 AM

Inihirit ng isang opisyal ng simbahang Katoliko kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto si Environment Sec Roy Cimatu.

Kasabay nito, ikinatuwa naman ni Fr. Edwin Gariguez ng National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagbabanta ng pangulo sa mga minahan sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address.

Ayon kay Gariguez, sa mga desisyon ni Cimatu nakikita ang pagpabor nito sa mga minahan.

Giit nito kailangan na ang papalit kay Cimatu ay may taglay na tapang na kakayanin ang mga hirit at alok ng mga mining companies.

Binanggit pa ni Gariguez na dapat mismong si Pangulong Duterte na ang mamuno sa DENR.

Matatandaang sa SONA ng pangulo, binantaan nito ang mga minahan na bubuwisan niya nang husto ang mga ito kung hindi sila magiging responsable lalo na sa pangangalaga sa kalikasan.

Dagdag pa ni Gariguez dapat kunin ng pangulo si dating DENR Sec. Gina Lopez bilang consultant sa naturang kagawaran.

Magugunita na hindi nakalusot sa Commission on Appointments si Lopez kaya’t bumaba ito sa puwesto, at si Cimatu ang naitalagang pumalit sa kaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.