Mga Kadamay, binalaan ni Duterte

By Isa Avendaño-Umali July 26, 2017 - 04:37 AM

Muling binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng grupong Kadamay.

Sa kaniyang speech sa turnover ceremony ng financial assistance para sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo sa Marawi City, sinabi ni Duterte na huwag daw siyang pilitin ng mga taga-Kadamay at lalong huwag uulitin ang ginawang pang-aagaw ng mga bahay.

Babala ni Duterte, kapag naging pasaway ang mga miyembro ng Kadamay ay i-uutos niya ang pwersahang pagpapaalis sa mga ito, o kaya nama’y babatutain o pagbabarilin.

Ani Duterte, maghintay daw ang mga taga-Kadamay na magkaroon siya ng pera para magawan silang lahat ng bahay.

Matatandaan na sumalakay ang mga Kadamay members sa isang housing project sa Bulacan, at inopkupahan ang mga bakanteng bahay doon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.