Ginagawang gusali sa BGC, nasunog

By Jan Escosio July 26, 2017 - 04:18 AM

Natupok ng apoy ang isang ginagawang gusali sa MDC sa kanto ng 3rd street at 28th street sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nabatid na sa isang opisina sa basement ng gusali nagsimula ang sunog dakong alas-5:00 ng hapon ng Huwebes.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ang ugat ng naturang sunog.

Mapalad namang agad nakalabas ang mahigit 1,000 kawani sa gusali kaya’t walang napaulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

Umabot sa unang alarma ang sunog, pero naapula din ito matapos ang isang oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.