PCG at DOH, sasanayin ang mga lifeguard ng mga resort sa Palawan
Kumilos ang Department of Health o DOH at ang Philippine Coast Guard PCG para maihanda ang lifeguards sa mga pangunahing resort sa lalawigan ng Palawan.
Ang hakbang ay kasunod nang ilang insidente ng pagkalunod na dito ay nasisisi ang kawalan ng kahandaan ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Dr. Eduardo C. Janairo, ang regional director ng DOH – MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), isasalang sa limang araw na pagsasanay ang mga lifeguard o mula September 14 hanggang 18 ngayong taon.
Sinabi rin ni Dr. Janairo na bukod sa DOH at PCG, katuwalang din nila ang Department of Tourism (DOT) sa Palawan Puerto Princesa sa pagbibigay ng orientation, training at certification sa mga lifeguard na nagtratrabaho sa iba’t ibang resorts sa Palawan.
Kumpiyansa si Janairo na maiiwasan ang mga insidente ng pagkalunod sa mga beach at maging sa swimming pool, na kadalasang nagdudulot ng kamatayan sa mga biktima, kung may sapat na staff, na sinanay at may sertipikasyon sa first aid at basic lifesaving skills.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.