Mamahaling pasilidad, ibinigay ng isang pamilya sa AFP Medical Center

July 25, 2017 - 12:20 PM

FB Photo

Matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagkadismaya kahapon sa kakulangan ng pasilidad ng AFP Medical Hospital, isang pamilya ang nagmagandang loob para mag-donate ng mamahaling equipment sa nasabing pagamutan.

Kahapon sa kaniyang SONA, binaggit ng pangulo ang kawalan ng Hyperbaric Oxygen (HBO) Chamber sa ospital na aniya ay malaking tulong sana sa mga nasusugatang sundalo.

Sa Facebook post ng isang Tinton Deveza, sinabi nitong ibibigay nila bilang donasyon sa AFP Medical Hospital ang state-of-the-art Hyperbaric Oxygen Chamber para magamit ng mga sundalong masusugatan sa pakikipagbakbakan.

Ang nasabing chamber ay nagkakahalaga ng mahigit P10 milyon.

Nakasaad sa post ni Deveza na ikalulugod ng kaniyang pamilya kung tatanggapin ng pangulo ang kanilang donasyon.

FB post

“Mr. President, I am hereby donating to AFP Medical Facility this state-of-the-art hyperbaric oxygen chamber for the use of our soldiers who have been wounded in wars. Dr. Jojo, your doctor at V. Luna Hospital would know how to operate it. (This chamber was worth over P10 Million.) Mr. President Duterte, kindly accept this humble donation. My family and I would be overjoyed when you accept it,” ayon kay Deveza.

Kahapon sa kaniyang SONA, hindi naitago ng pangulo ang pagkadismaya sa kakapusan sa pasilidad ng AFP Medical Center.

Partikular na tinukoy ng pangulo ang hyperbaric na aniya ay malaking milagro sana ang maituturlong sa mga sundalong nasusugatan.

Nabanggit din ng pangulo ang gusali ng ospital na maging ang drainage system aniya ay hindi man lang maisaayos.

Inatasan din ng pangulo ang Department of Health (DOH) na ayusin ang sistema sa procurement ng mga kagamitan para mas mabilis ang pagbili ng mahahalagang pasilidad sa mga government hospital.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP Medical Hospital, department of health, Hyperbaric Oxygen Chamber, SONA, AFP Medical Hospital, department of health, Hyperbaric Oxygen Chamber, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.