Sa kabila ng tensyon sa West Philippine Sea, Mayor Erap bisita ng China sa WW II celebration.
Bisita si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada sa magaganap na malaking military parade sa China ngayong linggong ito na layong ipagdiwang ang pagkatalo ng Japan noong World War II.
Ito ay sa kabila ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa usapin ng West Philippines Sea.
Gayunman, nilinaw ng tagapapagsalita ni Erap na dadalo ito sa naturang okasyon bilang alkalde ng Maynila at hindi bilang kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas.
Ayon kay Diego Kagahastian, Media Affairs Chief ni Erap, sister city ng Beijing ang Maynila kaya’t naimbita ang dating pangulo sa okasyon.
Nakatakdang magtungo si Estrada sa China sa September 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.