CCTV footage sa pagpatay sa isang Chinese sa harap ng La Salle, hawak na ng MPD

 

Mula sa inquirer.net

Isasailalim sa pagsusuri ng Manila Police District ang CCTV video malapit sa De LaSalle University sa P. Ocampo sa Malate, Manila kung saan nangyari ang pamamaril sa isang Chinese National nitong madaling araw ng Biyernes.

Ang biktima na kinilala lamang sa pangalang “Awei” ay agad na nasawi makaraang tamaan ng bala sa ulo, habang sugatan naman at kasalukuyan pa ring ginagamot sa PGH ang drayber ng taxi na sinakyan ng biktima na si Edgardo Atacador, 57 anyos.

Nangyari ang insidente sa mismong harapan ng Henry Sy Building ng De La Salle University kung saan ang mga suspek ay magka-angkas sa motorsiklo o riding in tandem na kalalakihan.

Ayon kay Inspector Dennis Javier, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, galing umano sa videoke bar ang biktima na nasa pagitan ng edad 25 hanggang 30 anyos kasama ang isa pang Chinese na nakilala sa pangalang Dongming Zhang.

Hindi naman nadamay si Zhang sa pamamaril dahil sa likod ng taxi ito nakaupo.

Nabatid na sinundo pa umano ng biktima si Zhang sa Resorts world sa Pads City bago sila magtungo sa Royal KTV bar sa Malate.

Narekober sa katawan ng biktima ang 29 thousand pesos cash, cellphone at mga condom.

Layunin ng pagsusuri ng pulisya sa CCTV Footage ay para tukuyin ang pagkakilanlan ng mga suspek at bilang Bahagi sa pag-alam sa motibo ng krimen.

 

 

Read more...