Main Office ng DOTr, ililipat sa Clark simula July 28

By Rhommel Balasbas July 25, 2017 - 04:23 AM

 

Bilang pangunahing kagawaran na may mandatong maisaayos ang transportasyon at madecongest ang trapiko sa Metro Manila, ililipat na ng Department of Transportation o DOTr ang main office nito sa Clark, Pampanga.

Ayon sa pahayag na inilabas ng DOTr kahapon, sinabi nitong ang desisyon ay bahagi ng pagsisikap ng gobyernong maisaayos ang sistema ng transportasyon at makatulong din sa pagpapaunlad ng mga bayan sa labas ng Metro Manila.

Gagawing batch by batch ang paglilipat ng mga opisina at uunahin ang mga tanggapan ng Secretary, Undersecretaries, and Communications na magsisimula nang irelocate sa July 28.

Upang matiyak ang kapakanan ng mga kawani ng kagawaran, nagsagawa ang DOTr ng “dialogue” upang maisantabi ng mga empleyado ang alinlangan at takot sa paglilipat.

Kasama sa napag-usapan ang pagbibigay ng DOTr ng libreng free shuttle service sa mga kawani nito- papunta at paalis ng Clark; apat na araw na flexible work schedule; subsidized accomodations at maging pagseserbisyo ng murang pagkain.

Batay sa naging pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong Setyembre 2014, nagdudulot ang traffic congestion sa Metro Manila ng pagkalugi sa ekonomiya na aabot sa 2.4 bilyon piso kada araw at maaring umabot sa 6 na bilyong piso sa taong 2030 kapag napabayaan.

Inaasahang kikita ang DOTr ng 9.3 milyon kadataon dahil sa paglipat sa Clark at sa pagpapaupa sa kanilang units sa Columbia Towers sa Ortigas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.