Duterte, payag na sa P25-B tax settlement ng Mighty Corp.

By Jay Dones July 25, 2017 - 04:26 AM

 

Payag si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin ng gobyerno ang alok ng Mighty Corporation na magbayad ng 25-bilyong piso bilang danyos para maayos ang kanilang pagkakautang sa buwis.

Sa kanyang State of the Nation Address, sinabi ng pangulo na kanya nang inatasan ang Department of Finance na tanggapin ang alok ng cigarette manufacturer na una nang kinasuhan ng pamemeke ng mga tax stamps sa kanilang mga produkto.

Ito aniya ang pinakamalaking tax settlement na papasukin ng goyerno sa kasaysayan.

Kapalit nito, nangako aniya ang Mighty Corp. na hindi na papasok sa tobacco business.

Ayon sa pangulo, hindi naman maapektuhan ang mga kasong kriminal na kinakaharap ng kumpanya.

Samantala, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, natanggap na ng pamahalaan ang 3.44 bilyong piso noong July 20 mula sa Mighty Corp. bilang paunang kabayaran sa kabuuang 25-bilyong tax settlement.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.