De Lima, pinagbibitiw sa puwesto alang-alang sa DOJ

By Isa Avendaño-Umali August 31, 2015 - 04:03 PM

Inquirer file photo

Hinamon ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian si Secretary Leila de Lima na magbitiw na sa kanyang puwesto bilang kalihim ng Department of Justice o DOJ.

Ito’y sa harap ng mga batikos pa rin ng mga miyembro ng INC kay De Lima dahil sa umano’y mabilis nitong aksyon sa reklamo ng dating ministro na si Isaias Samson Jr., na humantong sa serye ng kilos-protesta ng religious group.

Katwiran ni Gatchalian, ang resignation ni De Lima ay isang mainam na hakbang upang mailigtas ang buong tanggapan ng DOJ, hindi lamang mula sa galit ng INC, kundi sa pamumulitika.

Sinabi ni Gatchalian na hindi naman lingid sa lahat na nagpahapyaw na si De Lima ukol sa kanyang planong pagtakbo sa pagka-senador sa 2016 Elections.

Matatandaang sa kaarawan ni De Lima, hindi man niya direktang binanaggit ay mistulang nag-anunsyo na siya ng pagsabak sa halalan at maugong na kasama siya sa senatorial slate ng Liberal Party.

Kaugnay naman sa naging protesta ng INC, sinabi ni Gatchalian na marapat na irespeto ito dahil may constitutional rights naman sila na magsagawa ng mapayapang assembly, at paglalabas ng sentimyento laban kay De Lima.

 

TAGS: department of justice, justice sec leila de lima, department of justice, justice sec leila de lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.