Joma Sison sa pagbubunyag ng pangulo na siya’y may colon cancer: Imahinasyon lang niya ‘yun

By Inquirer, Jay Dones July 25, 2017 - 04:27 AM

 

Mariing itinanggi ni Communist Party of the Philippines founding chair Jose Ma. Sison ang ipinagsigawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address na mayroon siyang colon cancer.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ng 78-anyos na si Sison na maganda ang kanyang kalusugan at wala siyang iniindang cancer.

Imahinasyon lamang aniya ng pangulo ang colon cancer na sinasabi nito.

Paliwanag pa ni Sison, bagamat totoong naospital siya noong March 20 sa Utrecht University Medical Center, wala itong kinalaman sa ibinibintang ng pangulo na colon cancer.

Sa halip, na-confine siya aniya dahil sa rheumatoid arthritis at kawalan ng ganang kumain dahil sa pagpapalit ng panahon sa The Netherlands.

Dagdag pa nito, dapat ay maging seryoso na lamang ang pangulo sa iba pang isyu tulad ng muling pagbabalik sa negotiating table ng panig ng gobyerno at National Democratic Front.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.