Martial law sa Mindanao ibinida ng pangulo sa SONA

By Den Macaranas July 24, 2017 - 05:25 PM

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang deklarasyon ng martial law ang siyang pinaka-mabisang paraan para durugin ang rebelyon at ang banta ng terorismo sa Marawi City at Mindanao region.

Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng pangulo na pinag-aralan muna niya ang deklarasyon ng batas militar bago niya ito nilagdaan.

Sa ganitong paraan ayon sa pangulo ay magagamit niya ang lahat ng institutional tools ng pamahalaan sa ilalim ng ating Saligang Batas.

Naging madali rin umano ang paghuli sa mga taga-suporta ng Maute group at Abu Sayyaf Group dahil sa martial law.

Kanya ring binalaan ang mga tagasuporta ng teroristang grupo na isusunod sila sa pagdurog sa mga kalaban ng pamahalaan.

Muli ring pinasalamatan ng pangulo ang mga miyembro ng militar at pulisya na hanggang ngayon ay nakikipag-laban sa Marawi City.

Dahil sa kanilang katapangan at hindi na umano kumalat ang banta ng terorismo sa iba pang bahagi ng bansa.

TAGS: Abu Sayyaf, marawi, Martial Law, Maute, terrorists, Abu Sayyaf, marawi, Martial Law, Maute, terrorists

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.