2018 proposed budget isusumite ni Duterte sa Kongreso kasabay ng SONA

Inquirer file photo

Nakatakdang isumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.767 trillion na budget para sa susunod na taon sa Kongreso. Isasabay ng pangulo ang pagsusumite ng 2018 proposed national budget sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw ng Lunes.

Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, umaabot sa 1/4 ng 2018 General Appropriations Act at nakalaan sa imprastraktura.

Ito aniya ang unang pagkakataon simula noong administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1990 na ipinasa ang budget proposal sa mismong araw ng SONA ng presidente.

Paliwanag ni Diokno, ang maagang pagsusumite ng proposed budget ay magbibigay ng mas mahabang panahon sa Kongreso para mapag-aralan ito.

Sa ganitong paraan din aniya ay mas mapapaaga ang pagsisimula ng Kongreso sa kanilang proseso sa pag-apruba sa nasabing budget.

Sinabi din ni Diokno na sakaling maaprubahan na ng mga mambabatas ang proposed budget, maaari na itong lagdaan ng pangulo sa darating na Nobyembre ngayong taon.

Isa sa mga plano ni Duterte ay ilaan ang P8 Trillion mula sa budget sa pagtatayo ng mga bagong kalsada, tulay, at paliparan.

Read more...