Aminado si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na kabado siya sa dami ng mga magsasagawa ng kilos-protesta kasabay ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kumpara sa mga ralyista, sinabi ni Dela Rosa na kakaunti ang 6,000 mga pulis at 300 mga sundalo naka-deploy para bantayan ang kaayusan ng gaganaping SONA.
Umaasa naman ang opisyal na hindi lilikha ng kaguluhan bagkus ay magpapahayag lamang ng kani-kanilang mga saloobin ang mga sasama sa mga kilos-protesta.
Kasabay nito, inamin ni Dela Rosa na nananalangin siya n asana ay ulanin ang mga rally ngayong araw.
Maaga pa lamang kanina ay pumosisyon na ang ilang mga militanteng grupo malapit sa IBP Road na siyang pinaka-malapit na daanan sa Batasang Pambansa Complex.
Nauna nang sinabi ng pamunuan ng PNP na bibigyan nila ng magandang pwesto malapit sa Kongreso ang mga ralyista maging ang mga ito ay anti o pro-Duterte groups man.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.