Gastos sa punerarya ng 27 bangkay na nakuha sa giyera sa Marawi aakuin ng DSWD
Aakuin na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbabayad sa punerarya sa dalawampu’t pitong bangkay na nakuha sa kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Maute terrorist group at tropa ng militar sa Marawi City.
Ayon kay DILG Provincial Director Mac Lucman, nagkaroon na ng memorandum ang lokal na pamahalaan, DSWD at punerarya ukol sa gastusin.
Sa dalawampu’t siyam na bangkay, dalawampu’t pito lamang ang inilibing Lunes ng umaga sa Maqbara Public Cemtery sa Brgy. Papandayan Canyogan, Marawi City dahil sa mayroong dalawang kristyano ang umaangkin sa dalawang bangkay.
Ayon kay Lucman sa naturang walong ektaryang sementeryo na rin ililibing kung mayroon pang makuluhang bangkay oras na matapos ang giyera sa Marawi.
Paglilibing sa 27 na bangkay na nakuha sa giyera sa Marawi City isinasagawa ngayon sa Maqbarah Public Cemetery @dzIQ990 pic.twitter.com/hYrI7Kgl2k
— chonayuINQ (@chonayu1) July 24, 2017
27 na bangkay na nakuha sa Marawi, ililibing na ngayong umaga sa Maqbara Public Cemetery,Brgy. Papandayan Canyogan Marawi City |@chonayu1 pic.twitter.com/z9h28Di731
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 24, 2017
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 24, 2017
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 24, 2017
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 24, 2017
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 24, 2017
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 24, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.