Mga kabataan, nag-alay ng bulaklak sa bantayog ng mga bayani bilang pagpupugay sa mga bayani ng martial law

By Mark Gene Makalalad July 24, 2017 - 12:35 PM

Sama-samang nag-alay ng bulaklak ang grupo ng mga kabataan sa Bantayog ng mga bayani bilang pagpupugay sa mga bayani noong Martial Law.

Nasa 300 myembro ng pinaghalong grupo ng Bagong Alyansang Makabayan, Anakbayan, Kabataan at Manggawa Kontra Kontrakwalisasyon ang sumariwa sa mga naging biktima at nagsakrisyo para makamit ang tunay na demokrasya sa bansa.

Ayon kay Bayan Metro Manila Chairperson Raymond Palatino, unang beses nilang ginawa ang aksyon kasabay ng ikalawang SONA ng pangulo dahil na rin sa extension ng Martial Law sa Mindanao.

Tila may banta raw kasi sa karapatan ang martial law sa Mindanao at maari itong magbigay-daan sa mas marami pang human rights abuses.

Giit naman ni Rev. Dionito Cabillas na myembro rin ng Karapatan sa metro manila, karahasan, pamamaslang at pagdukot ang maaring idulot ng batas militar dahilan kaya dapat itong tutulan.

WATCH:

TAGS: 2nd SONA, Bantayog ng mga bayani, Pangulong Duterte, 2nd SONA, Bantayog ng mga bayani, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.