Martsa ng libu-libong raliyista umarangkada na

By Jan Escosio July 24, 2017 - 12:18 PM

Nagsimula nang umusad ang martsa ng mga raliyista sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Kabilang sa gruoo ang mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) mulA sa Southern Tagalog, Central Luzon, at Mindanao.

Tinatayang nasa 5,000 ang bilang ng mga militante na namahinga pa saglit sa Commonwealth Avenue tapat ng Central Avenue.

Ayon sa grupong Bayan, kabilang sa mga ipoprotesta nila ngayong SONA ni Pangulong Duterte ang mga hindi natupad na pangako nito, ang paglapalawig sa martial law at ang paghinto sa peace talks.

Kabilang sa sentro ng kanilang protesta ay ang caravan ng isang giant effigy na tinawag nilang “Pugita ng Lagim”.

Ang nasabing giant effigy ng isang octopus na mayroong watawat ng Estados Unidos ay nakasakay sa isang tangke na may logo ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa grupo ang nasabing octopus ay sumisimbolo sa pagkontrol ng US sa Pilipinas.

TAGS: 2nd SONA, BAYAN, Pangulong Duterte, Rally, US Pilipinas, 2nd SONA, BAYAN, Pangulong Duterte, Rally, US Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.