Palasyo, inirerespeto ang hindi muling pagsipot ni dating Pang. Aquino sa SONA ni Duterte

Iginagalang ng Malakanyang ang pasya ni dating Pangulong Noynoy Aquino na huwag magtungo sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, desisyon ni Aquino kung pauunlakan o hindi ang imbitasyon ng Palasyo.

Sinabi ni Andanar na lahat naman ng naging presidente ng bansa ay pinadalhan ng imbitasyon para sa Duterte SONA kabilang na sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Joseph Estrada gayundin si ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito na ang ikalawang pagkakataon ni Aquino na hindi makadadalo sa SONA ni Duterte.

Samantala, kinumpirma ni Andanar na pagkatapos ng SONA ng pangulo ay mayroon siyang pulong balitaan.

Hindi aniya pangkaraniwan na nagpapatawag ng press conference ang chief executive pagkatapos ng kanyang gagawing pag-uulat sa bayan.

Read more...