Senado, pormal nang binuksan ang 2nd regular session
Bago ang ikalawang State Of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pormal na nagbukas ang second regular session ng 17th congress.
Dakong 10:13 ng umaga nang pukpukin ni Senate President Koko Pimentel ang gavel o malyete na senyales ng pagbubukas ng sesyon.
Alas 4:00 naman ng hapon ang joint session ng senado at kamara sa batasang pambansa na nagbigay-daan sa ikalawang SONA ni Pangulong Duterte.
Nagbigay ng kanyang opening remarks si Senate President Koko Pimentel kung saan inilatag niya ang mga accomplishments sa nakaraan first regular session.
Inihayag din ni Pimentel ang mga priority bills para sa ikalawang regular na sesyon ng senado kabilang ang tax reform package na isinusulong ng duterte administration.
Una nang sinabi ni Pimentel na ang pending priority legislation sa 2nd regular session ang pagbabalik sa death penalty, tax reform, pagbaba ng edad ng criminal liability at constitutional amendments para sa paglipat sa federalism.
Inaasahan ni Pimentel na gagawin ng pangulo na urgent bills ang panukalang bangsamoro basic law, tax reform bill, at ang pagtapos sa endo o ang contractualization act of 2017
Present ang mga majority at minority senators liban sa nakakulong na si Senator Leila De Lima.
Nasa mayorya sina Senators Tito Sotto, Ralph Recto, Grace Poe, Sonny Angara, Jv Ejercito, Richard Gordon, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Cynthia Villar, Nancy Binay, Chiz Escudero, Sherwin Gatchalian at Migz Zubiri.
Habang ang mga miyembro ng oposisyon ay sina Senators, Franklin Drilon, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes IV at De Lima.
Dumalo rin sa pagbubukas ng senado ang ilang guests, mga foreign dignitaries at sina DFA Secretary Alan Peter Cayetano, Executive Secretary Salvador Medialdea, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.
Naging mahigpit ang seguridad na ipinatupad sa loob at labas ng senado.
Maaga pa lang ay may deployment na ng mga pulis mula sa Southern Police District Command para tiyakin ang kaayusan sa senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.