Pag-apruba ng Kongreso sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, batay sa ebidensya at hindi pamumulitika

By Rohanisa Abbas July 24, 2017 - 11:22 AM

Batay sa mga ebidensya ang naging desisyon ng mga mambabatas noong Sabado sa pagpabor sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, ito ang iginiit ni political analyst Prof. Clarita Carlos at sinabing hindi pamumulitika ang pagdinig sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Carlos na ang bilang ng mga nasawi sa kaguluhan sa Marawi City, at ang mga nasirang establishimyento ay patunay na kinakailangan pa ang martial law sa Mindanao.

Aniya, “We know naman that data has no colors. Data lang ‘yan eh. Bilangin mo ‘yung ano, ‘yung mga namatay. ‘Yan ba naman makukwestyon mo? Magsisinungaling ka ba jan?”

Ipinahayag din ni Carlos dapat lamang na pakinggan ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police dahil sa posibleng spillover ng kaguluhan sa Marawi City.

“Nakita naman nating the nature of martial law there, halos hindi natin nararamdaman sa ibang kapuluan. Ibigay na natin ‘yun sa estado dahil nga pwedeng nag-spillover ‘yun beyong Marawi City. Hindi natin alam ‘yung regional, international linkages.”

Samantala, inaasahan ni Carlos ni ilalahad ni Duterte sa kanyang State of the Nation Address ang lagay ng Marawi City, at ang lagay ng Pilipinas, gaya ng mga hakbang tungo sa pederalismo.

TAGS: 2nd SONA, AFP, giyera, gulo, Marawi City, Martial Law extension, Maute, Pangulong Duterte, PNP, Political analyst, Prof. Clarita Carlos, 2nd SONA, AFP, giyera, gulo, Marawi City, Martial Law extension, Maute, Pangulong Duterte, PNP, Political analyst, Prof. Clarita Carlos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.