Pagbabawal sa pinuno ng Liberty Int’l na bumisita kay De Lima, walang halong pulitika-Palasyo

By Kabie Aenlle July 24, 2017 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

Walang halong pulitika ang pagtanggi ng hanay ng PNP na makabisita kay Senador Leila De Lima sa detention cell nito ang presidente ng grupong Liberal International.

Ito ang paggiit ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Paliwanag ni Abella, hindi dapat lagyan ng kulay ang naturang isyu dahil wala itong kinalaman sa pulitika.

Ginagawa lamang aniya ng PNP ang kanilang tungkulin batay sa umiiral na protocol.

Una rito, hindi pinahintulutan ng PNP ang isang opisyal ng Liberal International (LI) na makabisita sa piitan ni Sen. Leila de Lima sa PNP headquarters.

Ang Liberal International ay isang pederasyon ng mga liberal at democratic na mg pulitiko sa buong mundo.

Nitong Sabado, hindi nakapasok sa PNP Custodial Center ang mismong presidente ng LI na si Juli Minoves, dahil wala siya sa listahan ng mga bisitang nakatakdang dadalaw sa senadora noong Sabado.

Gayunman, pinayagan namang pumasok ang iba pang kasama na sina LI Human Rights Committee chairman Markus Loning at Friedrich Naumann Foundation-Philippines president na si Wolfgang Heinze.

Layon ni Minoves sa pagtungo niya sa custodial center na personal na malaman ang kalagayan ni De Lima sa piitan.

Naniniwala si Minoves na ikinulong ng gobyerno si De Lima nang wala man lang presumption of innocence.

Tinuligsa rin ni Minoves ang gobyerno dahil sa hindi pagpapahintulot sa kaniya na mabisita ang isang nakakulong na mambabatas na hindi naman normal na ginagawa sa mga demoktratikong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.