Buhay na buhay pa ang itinuturing na isa sa mga lider ng Maute terror group na si Abdullah Maute.
Ito ang inihayag ni Agakhan Sharief, isa sa mga kilalang Moro community leader sa Lanao Del Sur nang makapanayam ng Inquirer.
Ayon kay Sharief alyas na Bin Laden, nakausap pa niya si Abdullah nitong July 17 sa pamamagitan ng cellphone bago putulin ng militar ang signal ng komunikasyon noong sa lungsod noong July 18.
Nagagawa niya umanong makausap ang Maute group leader dahil isa siya sa mga nabigyan ng responsibilidad ng MILF at goyberno na magbukas ng peace corridor sa Marawi para sa kalayaan ng mga bihag sa gitna ng bakbakan.
Sinabi rin ni Sharief na nakakatakas na ng tuluyan ang pinuno ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon sa Marawi City noon pang buwan ng Mayo.
Ito’y sa gitna ng halos araw-araw na airstrikes at bombing runs ng militar sa sinasabing pinagkukutaan ng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.