Walang nakikitang masama ang Armed Forces of the Philippines sa pamamahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng nasa 400 relo na G-shock para sa mga sundalong nakikipagbakabakan sa teroristang Maute group sa Marawi City.
Pahayag ito ng AFP sa gitna bg kritisismon na inuna pa umano ng pangulo ang pamimigay ng relo kaysa sa relief goods sa mga bakwit ng giyera.
Paliwanag ni Lt. Col Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng joint task force, ‘prerogative’ ni Pangulong Duterte ang pamimigay ng relo.
Pampataas aniya ng ‘morale’ ng mga sundalo ang munting regalo ng pangulo.
Iginiit pa ni Herrera na may nakalaang pondo ang pamahalaan para sa mga bakwit.
Apela pa ni Herrera, huwag ikumpara ang pamimigay ng relo ng pangulo sa mga sundalo at ang mga bakwit dahil may kanya-kanyang ginagampanan ang bawat sangay ng pamahalaan.