9 sundalo patay, 49 sugatan sa grenade attack ng Maute sa Marawi

 

Patay ang siyam na sundalo matapos hagisan ng granada ng teroristang Maute group sa Marawi City.

Kinumpirma ni Lt. Col. Carlito Galvez, chief ng Western Mindanao Command, apatnapu’t siyam na iba pa ang nasugatan sa naturang insidente.

Naganap aniya ang paghahagis ng granada noong Biyernes, July 21.

Ayon kay Galvez, nagawa ng teroristang grupo na makalapit sa tropa ng pamahalaan at dito na hinagisan ang mga ito ng mga granada.

Tumanggi naman si Galvez na magbigay ng karagdagang detalye sa insidente dahil sa ‘operational matters’.

Read more...