Palasyo, umapela sa publiko na suportahan ang implementasyon ng nationwide smoking ban
Pinapurihan ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang implementasyon ng nationwide smoking ban na nagsimula ngayong araw ng Lingo, July 23.
Sa isang pahayag, sinabi ni Abella na sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 26, binibigyang prayoridad nito ang karapatan na protektahan ang kalusugan ng publiko.
Hinikayat naman ni Abella ang publiko na suportahan ang smoking ban na layong gawin smoke-free ang bansa.
Una nang sinabi ni Health Sec. Pauline Ubial na pangungunahan ng local government units ang pagpapatupad ng smoking ban, at dapat bumuo ng kani-kanilang smoke-free task force.
Noong nakaraang May 26, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO. No 26, o nationwide smoking ban sa mga pampublikong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.