Lima, patay sa salpukan ng bus at van sa Tarlac City

Patay ang lima katao sa malagim na salpukan nang bus at van sa Brgy. Augso, Tarlac City linggo ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Bayani Razalan, Hepe ng Tarlac City Police, pasado alas kuwatro ng madaling araw nang salpukin ng pampasaherong bus ang tagiliran ng Kasalubong na van.

Nakunan din ng video nang ilang nakasaksi kung paano nagkayupi-yupi ang van matapos ang aksidente.

Pawang sakay ng van ang lima sa mga nasawi habang sugatan naman ang walo pa sa sakay nito.

Nabatid na galling ang van sa Bicol at patungo sana sa La Union, ang kasalubong naman na bus ay biyaheng Cubao sa Quezon City.

Read more...