Maagang dumating si Pangulong Noynoy Aquino III sa Libingan ng mga Bayani para sa paggunita sa National Heroes Day ngayong taon.
Bago mag alas-otso ng umaga nasa libingan na ng mga bayani ang Pangulo kaya maaga rin nagsimula ang arrival honors na ini-alay sa kanya ng Presidential Honor Guards na nakasuot ng makalumang-uniporporme ng mga katipunero.
Agad itong sinundan ang flag raising ceremony wreath laying ceremony sa tomb of the unknown soldiers. Kasama niya sa nasabing mga seremonya sina Defense Sec. Voltaire Gazmin, National Historical Commission Head Maria Sereno Diokno, Taguig City Mayor Lani Cayetano, Taguig Rep. Lino Cayetano at AFP Chief of Staff Gen. Hernando Ireberri.
Nakiisa rin sa aktibidad ngayong umaga ang ilang beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig, mga miyembro ng Diplomatic Corps at mga opisyal ng gobyerno.
Samantala, bahagi din ng programa ang pagbibigay ang mensahe ni Mayor Cayetano at ang ceremonial presentation ng aklat na “ang mamatay ng dahil sayo” ng National Historical Commission of the Philippines.
Sa mensahe naman ng Pangulo, sinabi nito na ang araw na ito ay pagpaparangal sa sakripisyo ng bayaning pilipino.
Nanawagan din ang Pangulo na makiambag sa pagpapatuloy ng nasimulan ng mga bayani ng bansa ay isabuhay ang ehemplo nito.
Aniya maaaring ipagpatuloy ang makabuluhang ng pagbabago sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa batas at pagtulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
Naniniwala rin si PNoy na hindi dapat na umasa sa isang tao para ipagtanggol ang bansa kundi sa sarili tulad ng sinabi ng kanyang ama na si dating Senador Ninoy Aquino Jr.