3 bata, nalunod sa isang construction site sa Cebu

By Mariel Cruz July 23, 2017 - 06:03 PM

Nasawi ang tatlong bata matapos malunod sa loob ng isang construction site sa Barangay Pitalo, San Fernando, Cebu City.

Kinilala ng San Fernando Police ang mga biktima na sina Ringgo Cañeda, 10 yrs old, Rodrigo Jr., 7 yrs old, at TJ Dizon Ybañez, 7 yrs old at mga residente ng Sitio Lakaraw sa Barangay Pitalo.

Ayon kay SPO1 Rolando Bastida ng San Fernando Police Station, humingi ng permiso si Ringgo sa kanyang nanay para magswimming kasama si Rodrigo pero hindi sinabi kung saan.

Hindi aniya inasahan ng nanay na magpupunta sa construction site ang kanyang anak sa isang bagong subdivision sa kanilang lugar.

Sinabi din ni Bastida na mayroong butas sa loob ng naturang construction site na pinag-iimbakan ng tubig ulan.

Simula pa noong Biyernes ay nakararanas na ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ng Cebu dahil sa southwest monsoon na pinalakas ng bagyong Fabian.

Ayon pa kay Bastida, gumamit na ng backhoe para makuha ang katawan ng tatlong bata na dinala na sa Carcar Provincial Hospital kung saan sila idineklarang dead on arrival.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.