Pilipinas, nanguna sa may matataas na bilang ng bagong HIV case sa Asia-Pacific countries

Naitala sa Pilipinas ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng HIV infection sa Asia-Pacific countries mula 2010 hanggang 2016.

Batay sa datos ng UNAIDS Data 2017, tumaas ang kaso sa bansa nang 150 porsyento.

Noong 2005, naitala ang mahigit 1,000 kaso sa bansa na umakyat sa 4,300 taong 2010 at pumalo na sa 10,000 noong nakaraang taon.

Sumunod naman sa Pilipinas ang Sri Lanka, Afghanistan, Pakistan, Papua New Guinea, Bangladesh at Australia.

Sa kabila nito, sinabi ng UNAIDS na bumababa ang kabuuang bagong kaso ng naturang sakit sa buong mundo ngunit malayo pa rin sa kanilang target sa 2020.

Samantala, sinala ng UNAIDS ang mga bansa base sa mga accomplishment na makuha ang 90-90-90 treatment target upang matapos ang epidemya sa taong 2020.

Sa ngayon, aabot ang kabuuang bilang ng kaso ng HIV sa 36.7 milyon sa buong mundo.

Read more...