Sa joint special session, nang tanungin ni Senador Kiko Pangilinan kung posibleng ideklara ang martial law sa Luzon dahil sa banta ng pag-atake ng New People’s Army, ipinahayag ni Lorenzana na hindi target ng deklarasyon ng martial law ang komunistang grupo.
Sinabi ng kalihim na may batas militar man o wala, tungkulin ng pamahalaan na tugunan ang aniya’y “problemang ibinibigay” ng NPA.
Matatandaang ilang pag-atake ang ikinakasa ng komunistang grupo hanggang sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.
Una nang tiniyak ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa na nakahanda na sila laban sa banta ng NPA.