Medialdea, Esperon, ipinagtanggol sa joint session ang martial law declaration ni Duterte
Inilahad ng mga opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang justification sa pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Sa joint session ng Senado at Kamara, iginiit ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinagtibay na ng Korte Suprema ang validity ng martial law sa Mindanao.
Hiling ni Medialdea sa Kongreso, patapusin na si Duterte sa kanyang tungkulin na maibalik ang kapayapaan sa rehiyon.
Sinabi naman ni National Security adviser Hermogenes Esperon na ang martial law ay “added tool” o malaking tulong sa tropa ng gobyerno para labanan ang Maute group sa Marawi City.
Tugon ito ni Esperon matapos mag-interpellate si Senator Risa Hontiveros.
Paliwanag ng opisyal, dahil sa martial law ay mas mabilis ang pag-aresto sa mga miyembro ng maute group at kanilang mga taga-suporta pati ang pagkontrol sa galaw ng mga terorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.