Palasyo, tiwalang susuportahan ng mga mambabatas ang martial law extension
Kumpiyansa ang Malakanyang na mauunawaan at matitimbang ng mga Senador at Kongresista ang mga rasong inilalatag ng ehekutibo kaugnay sa panukalang palawigin ang martial law sa Mindanao.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na pangunahing layunin ang martial law extension ay maipagpatuloy ang pwersa ng gobyerno ang kanilang mga aksyon upang tuluyang mapalaya na ang Marawi City mula sa kamay ng teroristang grupo Maute.
Punto ni Abella, kailangan ding mapigilan ng tropa ng pamahalaan ang posibilidad na magkaroon ng spill-over ng karahasan at terorismo sa ibang mga lugar sa Mindanao, at mapanatili ang ‘peace and stability’ sa iba pang panig ng bansa.
Ayon kay Abella, umaasa ang Palasyo na kikilalanin ng mga mambabatas ang sitwasyon at susuportahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa idineklara nitong batas militar sa Mindanao at suspensyon ng writ of habeas corpus
Nagpapatuloy pa rin ang joint special session sa plenaryo ng Kamara, kung saan full force ang gabinete ni Duterte sa pagdepensa sa martial law at pagkumbinsi sa mga mambabatas para sa pagpapalawig ng batas militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.