WATCH: Isang grupo, nagprotesta sa loob ng plenaryo sa kasagsagan ng joint special session ng Kongreso
Sa kasagsagan ng joint special session ng Kongreso, isang grupo ang nanggulo sa loob ng session hall.
Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nakasalang sa pagtatanong ni ACT Teachers PL Rep. Antonio Tinio nang biglang tumayo ang mga raliyista na may mga bitbit na banners.
Ang sigaw ng mga nag-protesta, “Never again to martial law!” at “Martial Law sa Mindanao, ibasura!”
Agad naman silang pinigilan ng mga House security, at pinagkukuha ang mga banner na dala ng grupo.
Sa kabila ng protesta, nagpatuloy pa rin ang sesyon makaraang palabasin sila ng mga gwardiya.
Dinala naman ang mga raliyista sa Legislative and Security building sa loob ng Batasan Pambansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.