“If I have my way, I would like to destroy government and replace it with something, which move by itself automatically,” ani Duterte.
Naniniwala kasi ang pangulo na sa ganitong paraan, mahusay pa ring maseserbisyuhan ang publiko kahit mabawasan pa ang kapangyarihan ng organisasyon.
Sinermunan rin ni Duterte ang mga empleyado ng gobyerno na ilang beses pinapabalik-balik ang mga nagpo-proseso ng dokumento sa kanilang mga opisina.
Hindi man lang aniya ikonsidera ng mga ito ang tindi ng trapik na nararanasan ng publiko sa Metro Manila.
Binanatan rin niya ang mga opisinang humihiling ng mga karagdagang computers araw-araw pero hindi naman magawang mapabuti ang serbisyo.
Matatandaang isa sa mga ipinangako ni Duterte noong kaniyang kampanya, ay ang supilin ang katiwalian sa gobyerno.
Mula nang manilbihan, nasa 100 na opisyal na ang sinibak ni Duterte, kabilang na sina dating National Irrigation Administration chief Peter Laviña at dating Interior and Local Government Sec. Ismael Sueno matapos umanong masangkot sa isyu ng katiwalian.