Mga inireklamong opisyal sa 8888, pinaluluhod ni Duterte sa publiko

By Kabie Aenlle July 22, 2017 - 05:25 AM

Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte nang talakayin niya sa kaniyang talumpati ang mga inirereklamong opisyal at kawani ng gobyerno sa complaint hotline na 8888.

Ayon kay Duterte, ipatatawag niya sa Malacañang ang lahat ng empleyado ng gobyerno na nareklamo, at kung kakayanin aniya ay kakausapin niya ang mga ito isa-isa kahit abutin ng umaga.

Dahil dito, umapela si Duterte sa mga opisyal na naireklamo sa hotline na mag-bitiw na sa pwesto, at kung hindi man ay siya na ang susuko at magre-resign.

“Because, you there, you resign or get out of government service or resign. Ako ang mag-give up,” ani Duterte.

Gayunman, handa rin ang pangulo na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga nasabing opisyal, sa kondisyon na luluhod ang mga ito sa harap ng publiko kasabay ng pangangako na pagbubutihin na nila ang kanilang serbisyo.

Muli namang nanawagan si Duterte sa publiko na isumbong sa kaniya at ipaalam sa kaniya ang pangalan ng tiwaling opisyal o empleyado ng gobyerno, at siya na ang bahalang protektahan ang magsusumbong.

Nag-alok pa si Duterte na sampalin o sipain ang opisyal na hindi magbibigay ng maayos na serbisyo.

“Gusto mo sipain o sampalin ko pa ‘yang empleyado sa gobyerno na messing up with you,” ani Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.