Sinang-ayunan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtawag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa kaniya na isang “bully.”
“Correct ka diyan! 100 percent,” ani Duterte kay Sison.
Sa pag-init ng palitan ng banat nina Duterte at Sison sa isa’t isa, iginiit ng pangulo na totoong bully siya sa mga taong nais patalsikin ang gobyerno dahil ito ang kaniyang trabaho.
Ani Duterte, tungkulin niya na i-bully ang mga komunista dahil may nagaganap na giyera sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebelde, at na pinapatay ng mga ito ang mga sundalo.
Banat pa ni Duterte, baka patayin rin niya si Sison kung makakaroon siya ng pagkakataon.
“I am here to bully you and to kill you because there’s a war going on between us and you are killing my soldiers. “Maybe, I will kill you if I have the chance,” ani Duterte.
Matatandaang nagdesisyon na si Pangulong Duterte na itigil na ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno at CPP na tinawag niyang kalaban ng estado.
Wala naman aniyang naibigay na magagandang resulta ang peace talks sa mga komunista, kaya maiging hayaan na lang ito sa loob ng susunod na limang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.