Dahil sa mataas na amount ng paralytic shellfish poison o “red tide” ng apat na dagat, naglabas ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ng nationwide red tide advisory kahapon.
Ayon sa BFAR, positbo sa “red tide” ang Irong-Irong Bay sa Western Samar, Puerto Princesa Bay sa Palawan, at mga karagatang sakop ng Mandaon at Placer sa Masbate.
Dahil dito, pansamantalang ipinatitigil ang pagbenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang na galling sa mga nabanggit na lugar.
Ang pagkain ng mga naturang lamang dagat sa mga baybayin na positibo sa red tide ay maaring magdulot ng gastrointestinal at neurological illness.
Bagamat pinapayagan ng BFAR ang pagkain ng isda, squids, hipon at alimango, hinihikayat naman ng kawanihan ang mga mamimili na hugasan ang mga ito nang mabuti.
Nananatili naming negatibo mula sa red tide ang mga natitirang karagatan ng bansa kabilang ang coastal waters ng Cavite, Navotas, Bulacan, at Manila Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.