Batikang direktor na si Soxie Topacio, pumanaw na

By Rhommel Balasbas July 22, 2017 - 05:07 AM

From Soxie Topacio’s Facebook page

Pumanaw na sa edad na 65 ang batikan na film at theater director na si Socrates Hernandez Topacio mas kilala sa ‘Soxie’ sa edad na 65.

Kinumpirma ito ng mga kasamahan sa showbiz at ng mismong pamangkin niya na si Zarah kagabi.

Ayon kay Zarah, may sakit na lung cancer ang kaniyang tiyuhin na naging dahilan din ng kanyang pagpanaw.

Ipinaabot ng ilan sa mga kaibigan sa showbiz ang pakikiramay ng mga ito kabilang sina Lea Salonga, Direk Joey Javier Reyes at ang batikang direktor din na si Bibeth Orteza.

Hindi makakalimutan ang naging kontribusyon ni Soxie sa Philippine Educational Theater Association o PETA kung saan pinamunuan niya ang maraming theather productions.

Siya rin ang nanguna sa theater adaptation ng award-winning film ni Lino Brocka na “Bona.”

Samantala, ang pelikula niyang “Ded na si Lolo” ay napili bilang entry ng bansa sa Best Foreign Language Film Category ng 82nd Academy Awards noong 2010.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.